Canal Hamamatsu Tuktok na Pahina > Impormasyon sa araw-araw na Buhay > Pag-aayos ng Koneksyon ng Kuryente, Gaas, at Tubig
ここから本文です。
更新日:2023年5月12日
Kapag ikaw ay lumipat sa isang apartment o paupahan, maari mong hilingin sa ehente ng bahay o sa may-ari ng bahay na ikonekta ang mga yutilidad o maaring ikaw mismo ang tumawag para ipaayos ito.
Pinakamalapit na kumpanya ng kuryente
Sala Energy | Sala E at L Hamamatsu | 200 Nishizuka-cho, Chūō-ku, Hamamatsu |
Tel 053-465-1234 |
---|
Tumawag sa lokal na kompanya ng gaas para sa propeyn na gaas.
May dalawang uri ng gaas na maaring magamit na pambahay- panglungsod na gaas at propeyn na gaas. Depende sa lugar na iyong tinitirhan kung ano ang gaas na magagamit pambahay. Paggamit ng mga kasangkapang hindi akma sa uri ng gaas na ibinibigay ay lubhang mapanganib, kaya mangyaring siguraduhin ang tamang gaas na dapat gamitin mula sa may-ari ng bahay.
Dibisyon ng mga Serbisyong Pantubig ng Lungsod ng Hamamatsu, Sentro ng mga Serbisyong Pantubig
May dalawang paraan ng pagbabayad ng mga bayarin. Maari mong bayaran ang mga bayarin na ipinadala sa iyo sa takdang petsa sa mga bangko, tanggapan ng koreo, o mga tindahan, o sa pamamagitan ng otomatikong paglilipat sa pamamagitan ng iyong savings account sa bangko o koreo.
Bilang karagdagan sa mga pamamaraan na inilarawan sa itaas, maaari kang magbayad gamit ang isang cashless na serbisyo sa pagbabayad sa iyong smartphone.
Maaari mong gamitin ang LINE Pay bill payment, au PAY (billing payment), PayPay bill payment, bank Pay (Yucho Pay, atbp.), Rakuten Bank convenience store payment service, J-Coin bill payment, at PayB.
Kapag may napansin kang anumang iregularidad sa gaas, agad na isarado ang valve ng gaas, buksan ang mga bintana, at huwag munang gumamit ng apoy sa loob ng bahay. Huwag hawakan o magsaksak ng anumang elektronikong kasangkapan. Dahil sa ang propeyn na gaas ay mas mabigat kaysa sa hangin, maari mong gamitin ang walis para itaboy ang gaas.
Tumawag sa Sentro ng mga Serbisyo sa Tubig para ipaalam na ikaw ay lilipat ng iyong tirahan 2 araw hanggang 1 linggo bago ang iyong paglipat. Kung hindi mo tatawagan ang Sentro ng mga Serbisyo sa Tubig ikaw ay patuloy na sisingilin kahit pa hindi mo nagagamit ang mga serbisyo.
Tawagan ang may-ari ng bahay o alin man sa mga sumusunod.
(Tagas ng tubig, pagkawala ng tubig, kakaibang kulay ng tubig, mga dumi sa tubig, atbp.)
Dibisyon ng mga Serbisyong Pantubig ng Lungsod ng Hamamatsu, Sentro ng mga Serbisyong Pantubig